US death row inmate, nakaligtas sa lethal injection execution
Sandra Samala-Salem
October 1, 2026 at 10:34:56 AM
Makikita sa 2023 booking photograph mula sa Tennessee Department of Correction si death row inmate Christa Pike, na nakapiit sa Riverbend Maximum Security Institution (RMSI) sa Tennessee at nahatulang pumatay sa isang kaklase tatlong dekada na ang nakalipas. Nakatakda siyang bitayin sa pamamagitan ng lethal injection noong Setyembre 30, 2026.
Tennessee Department of Correction / Handout via Reuters
Nakaligtas si Christa Pike, na nahatulan dahil sa pagpaslang sa isang kaklase tatlong dekada na ang nakalipas, sa pagtatangka ng Tennessee na bitayin siya sa pamamagitan ng lethal injection nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa mga opisyal ng bilangguan. Dahil dito, nabigo ang unang pagtatangka ng estado sa loob ng dalawang siglo na bitayin ang isang babae.
Hindi agad nalaman ang kalagayan ni Pike matapos ang insidente, at hindi rin malinaw kung anong legal na hakbang ang maaaring gawin ng kanyang mga abogado o ng estado matapos siyang dalhin sa isang pagamutan mula sa Riverbend Maximum Security Institution sa Nashville.
Ipinagtanggol ng Tennessee Department of Correction ang naging proseso sa isinagawang high-profile na execution, na tinutulan ng mga eksperto sa karapatang pantao dahil sa edad ni Pike nang mangyari ang krimen, sa kanyang kasaysayan bilang biktima ng seksuwal na pang-aabuso noong bata pa siya, at sa hindi nagamot na sakit sa pag-iisip.
“Sinunod ng Tennessee Department of Correction ang bawat hakbang sa legal at itinakdang protocol ng estado para sa execution na inaprubahan ng Office of the Attorney General (The Tennessee Department of Correction followed every step of the state’s lawful, established execution protocol approved by the Attorney General’s Office),” ayon sa pahayag ng ahensya.
“Palagiang naging epektibo ang lethal injection chemical na nakasaad sa protocol, at hindi pinahihintulutan ng protocol ang anumang karagdagang pamamaraan bukod sa isinagawa ngayong gabi. Dinala na si Christa Pike sa isang pagamutan sa labas ng pasilidad (The lethal injection chemical in the protocol has consistently been effective, and the protocol does not allow for additional procedures beyond what was carried out this evening. Christa Pike has been transported to an off-site medical facility),” dagdag ng pahayag.
Naghain ng mosyon sa federal court ang mga abogado ni Pike habang isinasagawa ang proseso upang ipatigil ang execution. Batay sa mga salaysay ng mga saksi, “naipasok na ng mga executioner ang dalawang syringe ng lethal injection chemicals at buhay pa rin si Pike at humihilik (executioners had injected both syringes of lethal injection chemicals and Pike is still alive and snoring),” iniulat ng NBC News.
Nabigo ang pagtatangkang execution ilang oras matapos alisin ng US Supreme Court ang huling-minutong pagpapatigil sa execution na inilabas ng mababang hukuman, na nagbigay-daan para bitayin si Pike, 50, dahil sa papel niya sa pagpapahirap at pagpatay sa pamamagitan ng pambubugbog kay Colleen Slemmer, 19, sa Knoxville noong 1995. Labing-walong taong gulang si Pike nang mangyari ang krimen.
Matapos ang hakbang ng High Court, sinabi ng Tennessee Department of Correction na “ipagpapatuloy nito ang execution (move forward with the execution)” sa araw ding iyon. Nagsimula ang mga proseso para isagawa ang hatol na kamatayan bandang alas-8 ng gabi CDT (0100 GMT).
Ayon sa NBC News, inilarawan ng mga mamamahayag na nakasaksi sa pagtatangkang execution ang paghinga at paghilik ni Pike, malalakas na pagbuga ng hangin, paghikab ng hingal at mga reklamo niya tungkol sa sakit. Madalas din niyang inaalog ang kanyang mga paa hanggang sa matanggal ang sapin na inilagay sa kanya. Paminsan-minsan, isinasara ang kurtina kaya mga tunog lamang ang naririnig ng mga mamamahayag.
“Mukhang hindi ito nangyari ayon sa inaasahan nila (It appeared that this did not go like they thought it was supposed to go),” sabi ni John North, investigative producer ng WBIR-TV sa Knoxville. “Pero hindi natin alam. Nang umalis kami sa gusali, ang alam namin ay posibleng buhay pa siya (But we don’t know that. When we left the building, so far as we knew, she was probably still alive).”
Nakitang dumating sa bilangguan ang isang ambulansya bago ito umalis.
Noong Mayo, itinigil din ng mga opisyal ng bilangguan sa Tennessee ang pagtatangka nilang bitayin ang isang lalaking nahatulan sa pagpatay matapos hindi makahanap ng angkop na ugat para sa lethal injection.

