US congressman at piloto, ligtas matapos mag-emergency landing sa lawa
Sari Story
September 15, 2026 at 2:56:59 AM
Kuha ni Rep. Tom Tiffany (R-WI) habang nagbibigay ng mensahe, bago talakayin ni U.S. Vice President JD Vance ang mga hakbang laban sa pandaraya sa pagbisita nito sa 128th Air Refueling Wing ng Wisconsin Air National Guard sa Milwaukee Mitchell Airport sa Milwaukee, Wisconsin, U.S., noong Hulyo 8, 2026.
Jim Vondruska / Reuters
WASHINGTON – Sinabi ni Representative Tom Tiffany, Republican nominee para sa pagiging gobernador ng Wisconsin, na ligtas siyang nakalangoy kasama ang kanyang piloto matapos mawalan ng power ang eroplanong kanilang sinasakyan at magsagawa ng emergency water landing sa isang lawa sa central Wisconsin. Nagtamo lamang sila ng minor injuries.
“Habang pauwi mula sa Lincoln Day Dinner ng La Crosse County ngayong gabi, nawalan ng power ang eroplanong sinasakyan ko habang papalapit kami sa Wausau Downtown Airport. Nagsagawa ang piloto ng emergency water landing sa Lake Wausau (While returning home from the La Crosse County Lincoln Day Dinner tonight, the plane I was traveling in lost power as we approached the Wausau Downtown Airport. The pilot made an emergency water landing in Lake Wausau),” ani Tiffany sa kanyang post sa X nitong madaling araw ng Linggo.
“Matapos lumapag, tumawag kami sa 911. Habang nagsisimula nang lumubog ang eroplano, lumabas kami sa aircraft at lumangoy patungo sa mababaw na bahagi ng lawa, kung saan kami naghintay hanggang makarating sa amin ang mga emergency responder sakay ng bangka (After landing, we called 911. As the plane began to submerge, we exited the aircraft and swam to a shallow area, where we waited until emergency responders reached us by boat).”
“Ligtas nila kaming iniahon mula sa tubig at dinala sa Aspirus Wausau Hospital, kung saan nakatanggap kami ng mahusay na pangangalaga. Mabuti na lamang at minor injuries lamang ang tinamo namin ng piloto (They got us safely off the water and transported us to Aspirus Wausau Hospital, where we received excellent care. Thankfully, both the pilot and I sustained only minor injuries),” dagdag ni Tiffany.
Si Tiffany, na sinuportahan ni U.S. President Donald Trump, ay kumakatawan sa seventh Congressional District ng Wisconsin at nanalo sa Republican nomination noong Agosto.
Makakaharap niya si Democratic nominee David Crowley, ang Milwaukee County Executive, sa gubernatorial election sa Nobyembre 3.
Sinabi ni Crowley na nakahinga siya nang maluwag matapos malaman na walang malubhang nasaktan sa insidente.
“Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi nasaktan nang malubha si Congressman Tiffany at ang iba pang posibleng maging biktima sa nakakatakot na insidenteng ito, na maaaring nauwi sa trahedya kung hindi dahil sa kabayanihan ng piloto (I'm grateful to God that Congressman Tiffany and no one else was hurt in this horrifying incident, which could have been a tragedy if not for the heroism of the pilot),” ani Crowley.

