top of page

UN: Nobel award kay dating ICC judge, tagumpay para sa karapatang pantao

Sandra Samala-Salem

October 10, 2026 at 8:11:43 AM

Larawan ni Jorgen Watne Frydnes, ang Chair ng Norwegian Nobel Committee, at Navanethem "Navi" Pillay,

Ipinapakita ni Jorgen Watne Frydnes, tagapangulo ng Norwegian Nobel Committee, ang larawan ni Navanethem “Navi” Pillay, na inanunsiyong tatanggap ng 2026 Nobel Peace Prize, sa Norwegian Nobel Institute sa Oslo, Norway, noong Oktubre 9, 2026.

NTB/Javad Parsa/via Reuters

GENEVA — Sinabi noong Biyernes ng pinuno ng karapatang pantao ng United Nations (UN) na ang pagkakapanalo ni Navi Pillay ng Nobel Prize ay tagumpay para sa karapatang pantao at sa lahat ng nagsusulong ng hustisya at pananagutan, kabilang sa pamamagitan ng International Criminal Court (ICC).


“Ang desisyon ng Nobel Award Commission na igawad ang parangal kay Navi Pillay ay tagumpay para sa karapatang pantao, gayundin sa pagsusulong ng hustisya at pananagutan sa mundo (The fact that the Nobel Award Commission decided to give this to Navi Pillay is a collective win for human rights, but also for seeking justice and accountability in this world),” ayon kay Volker Türk, na humalili kay Pillay bilang pinuno ng UN human rights body. Nanungkulan si Pillay bilang High Commissioner mula 2008 hanggang 2014.


“Malinaw na kailangan natin ang mga mekanismo para papanagutin ang mga lumalabag sa batas sa pamamagitan ng mga internasyonal na kasong kriminal, kabilang ang International Criminal Court. Malinaw din na nagbibigay ito ng napakalakas na mensahe na napakahalaga nito sa mundo ngayon (And it's clear that we need international criminal accountability mechanisms, including the International Criminal Court, and it's clear that we have a very strong signal that this is absolutely critical in today's world)”, sinabi niya sa mga mamamahayag.


bottom of page