Trump, sumang-ayon na gawing military complex ang planong triumphal arch
Sari Story
September 21, 2026 at 7:04:12 AM
WASHINGTON — Sinabi ni US President Donald Trump noong Linggo na sumang-ayon siya sa kahilingan ng militar na gawing complex para sa paglalagay at pagpapakawala ng mga drone at pag-iimbak ng sniper ammunition ang planong triumphal arch malapit sa Arlington National Cemetery sa Washington.
Binanggit ni Trump ang mga usapin sa pambansang seguridad bilang dahilan sa hakbang, ngunit wala siyang tinukoy na anumang partikular na banta.
Sinabi naman ng Federal Aviation Administration noong nakaraang linggo na hindi magiging panganib sa mga sasakyang panghimpapawid ang 250-foot o 76-metrong arch, ngunit kinakailangan itong magkaroon ng “eternal flame” sa tuktok.
Nilinaw nito ang usaping panghimpapawid na kinaharap ng proyekto, na iminungkahi ni Trump bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-250 anibersaryo ng Estados Unidos.
Nagpahayag ng pangamba sa kaligtasan ang mga aviation expert dahil malapit ito sa Reagan Washington National Airport, habang nagsampa naman ng kaso ang mga beterano upang harangin ang proyekto dahil anila, sisirain nito ang makasaysayang tanawin sa pagitan ng Lincoln Memorial at Arlington National Cemetery.
Bahagi ang proyekto ng mas malawak na plano ni Trump na baguhin ang monumental landscape ng Washington, kabilang ang pagtatayo ng bagong ballroom sa White House, pagsasaayos ng Lincoln Memorial Reflecting Pool at redevelopment ng golf course sa East Potomac Park.

