top of page

Tatlo arestado sa Greece kaugnay ng pagsabog na ikinamatay ng anim sa Athens

Isinalin ni Sandra Samala-Salem/ Sari Story Network

October 30, 2026 at 8:29:25 AM

Larawan ng mga pulis

Nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng special police unit sa lugar ng isang gusali sa gitnang bahagi ng Athens, Greece, kasunod ng pagsabog na ikinasugat ng ilang pulis at sibilyan, Oktubre 21, 2026.

Reuters / Stelios Misinas

Inaresto ng mga awtoridad sa Greece ang dalawang Greek national at isang Albanian na hinihinalang nagnakaw ng mga tubong tanso ng gas mula sa isang gusali, na naging sanhi ng pagtagas ng gas at nagresulta sa nakamamatay na pagsabog sa sentro ng Athens noong nakaraang buwan.


Anim na katao ang nasawi sa pagsabog noong Setyembre 25 sa Plaka, isang distrito na dinarayo ng mga turista. Apat sa mga nasawi ay mga Amerikano.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng mga eksperto mula sa crime investigation unit ng bumbero na nasira ng mga suspek ang pangunahing imprastraktura ng suplay ng natural gas ng dalawang palapag na gusali ilang oras bago ang pagsabog, nang tanggalin nila ang mga bahagi ng tubong tanso, ayon sa mga opisyal ng bumbero nitong Huwebes ng gabi.


Naganap ang pagsabog madaling-araw nang buksan ng isa sa mga residente ang ilaw.


Inaasahang haharap sa piskal ang mga suspek sa Biyernes.


bottom of page