top of page

South Korea kinumpirma na mga minang inilagay ng North Korea ang sanhi ng pagsabog sa border

Sari Story

October 6, 2026 at 6:10:00 AM

Larawan ng watawat ng North Korea

Sinabi ng South Korea nitong Lunes na ang pagsabog kamakailan sa border na malubhang ikinasugat ng dalawang sundalo nito ay sanhi ng mga mina na inilagay ng North Korea.

​

SEOUL - Sinabi ng South Korea nitong Lunes na ang pagsabog kamakailan sa border na malubhang ikinasugat ng dalawang sundalo nito ay sanhi ng mga mina na inilagay ng North Korea.


Ayon sa briefing ng militar ng South Korea nitong Lunes, nagpakalat ang North Korea ng hanggang 7,000 manggagawa ngayong taon upang maglagay ng mga mina at bakod bilang bahagi ng pagpapatibay nito sa border ng dalawang bansa mula Abril 2024. May naitala ring humigit-kumulang 50 insidente ng pagtawid sa border.


Teknikal na nasa estado pa rin ng digmaan ang dalawang Korea matapos magtapos ang 1950-53 Korean War sa pamamagitan ng armistice o kasunduan sa tigil-putukan sa halip na kasunduang pangkapayapaan.


“Batay sa resulta ng joint investigations kasama ang United Nations Command at siyentipikong ebidensya, opisyal na natukoy na malubhang nasugatan ang ating mga sundalong nagsasagawa ng regular na operasyon sa Demilitarized Zone dahil sa anti-personnel mine na inilagay ng North Korea sa timog ng Military Demarcation Line bilang bahagi ng tinatawag nitong fortification work (Based on the findings of joint investigations with the United Nations Command and scientific evidence, it is officially determined that our soldiers conducting regular operations in the Demilitarized Zone were wounded severely by an anti-personnel mine installed south of the Military Demarcation Line by North Korea under its so-called fortification work),” sinabi ni Kwon Dae-won, Vice Chairman ng Joint Chiefs of Staff, sa isang briefing.


Pinaniniwalaang inilagay ang minang sumabog noong Setyembre 21 may isang taon na ang nakalilipas, ayon kay Kwon.


“Mahigpit na hinihiling ng ating militar sa North Korea na taos-pusong humingi ng tawad sa ating mga sundalong nasugatan sa pagsabog ng mina at agad na alisin ang mga minang inilagay nito na lumalabag sa Armistice agreement (Our military strongly urges North Korea to apologise sincerely to our soldiers injured by the mine blast and immediately remove mines installed in violation of the Armistice agreement),” sinabi ni Kwon at idinagdag na nagsagawa ang hukbo ng operasyon nitong Lunes upang alisin ang mga mina ng North Korea at magpapatuloy ito kung hindi boluntaryong aalisin ng North Korea ang mga ito.


Noong nakaraang linggo, sinabi ng UN Command na matapos ang joint investigations kasama ang South Korean military, nakilala ang isa pang anti-personnel mine ng North Korea sa panig ng South Korea ng Military Demarcation Line na naghahati sa 4-km (2.5-milya) na lawak ng DMZ. Tinawag ito ng UN Command na paglabag sa armistice na nagtapos sa Korean War.


Noong Biyernes, sinabi ni Kim Yo Jong, maimpluwensiyang kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un, na “walang batayan” ang akusasyon ng South Korea at ibinasura ang hiling ng Seoul na humingi ng tawad ang North Korea.


Noong nakaraang taon, iminungkahi ng administrasyon ni South Korean President Lee Jae Myung ang pakikipag-usap sa North Korea upang buksan ang dialogue at mabawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.


Iminungkahi rin nitong magtakda ng mas malinaw na boundary sa border upang maiwasan ang posibleng sagupaan ng militar, ngunit hindi tumugon ang North Korea sa anumang panawagan para sa dialogue mula nang ideklara nitong “hostile” na bansa ang South Korea noong 2023.


bottom of page