top of page

Pagpapatuloy ng trial vs. dating Pangulong Duterte sa Nobyembre 30, itutuloy matapos ideklara ng ICC na kuwalipikado siyang humarap sa paglilitis

Sandra Samala-Salem

October 11, 2026 at 8:54:13 AM

Larawan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte habang nasa video conference

Dumalo si dating pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong status conference para sa kaniyang kasong crime against humanity sa harap ng International Criminal Court noong Setyembre 16, 2026. Sa isang desisyong may petsang Setyembre 28, idineklara ng Trial Chamber III na malusog at handa si Duterte para sa kaniyang paglilitis sa Nobyembre 30 sa The Hague.

Joan Bondoc / PNA

MANILA — Sinabi ng isang independiyenteng grupong sibilyan na ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na kuwalipikado si dating Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa paglilitis ay ang “huling hadlang” sa pagdinig na nakatakda sa Nobyembre 30, dahil hindi na maaaring gamiting dahilan ang kanyang kalusugan upang ipagpaliban ang mga paglilitis.


“Ang desisyong ito ay nangangahulugang sasagutin ni Duterte ang mga kasong isinampa laban sa kanya, at sa wakas ay makikita ng mga pamilya ng mga nasawi sa kanyang kampanya kontra droga ang mga ebidensyang ilalatag sa isang bukas na paglilitis (The ruling means Duterte will answer the charges against him, and the families of those killed during his anti drug campaign will finally see the evidence laid out in open court),” pahayag ni Carlos Conde, tagapagsalita at komisyoner ng Truth Commission, nitong Biyernes.


“Unanimous na sumang-ayon ang isang independiyenteng lupon ng mga eksperto na nauunawaan niya ang kaso at kaya niyang tulungan ang kanyang mga abogado sa pagtatanggol sa kanya, kaya hindi na maaaring gamiting dahilan ang kanyang kalusugan upang ipagpaliban ang paglilitis (An independent panel of experts agreed unanimously that he understands the case and can help his lawyers defend him, so his health can no longer be used as a reason for delay),” dagdag pa niya.


Naglabas ng desisyon ang ICC Trial Chamber III noong Setyembre 28, batay sa pagsusuri ng isang panel ng mga eksperto sa medisina na nagsabing wala silang nakitang ebidensyang lumalala ang kalagayang pangkaisipan o kakayahang kognitibo ni Duterte.


Idinagdag ng panel na “tila nasa pinakamainam na kondisyon (appears to have been optimized)” ang pangkalahatang pisikal na kalusugan ni Duterte at napansin din ang “malinaw na pagbuti (apparent improvement)” ng kanyang kondisyon kumpara sa nauna nilang ulat.

Sinabi ni Conde na ang paglilitis ay magiging isang mahalagang pagkakataon upang lubusang matukoy ang mga nangyari sa mga operasyon kontra ilegal na droga sa Pilipinas. Aniya, “mananatiling mahalaga ang rekord ng paglilitis kahit matagal nang naipahayag ang hatol (record will matter long after a verdict is reached).”



bottom of page