NTF-ELCAC, nanawagan sa UN na imbestigahan ang 99 na pagpatay na iniuugnay sa mga rebelde sa Pilipinas
Priam Nepomuceno / Philippine News Agency; Isinalin ng Sari Story Network
October 27, 2026 at 1:20:48 AM
Iginiit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Linggo ng gabi na walang armadong grupo ang may karapatang pumatay ng sinuman, kasabay ng panibagong panawagan nito sa United Nations (UN) na imbestigahan ang 99 na pagpatay na iniuugnay sa mga komunistang rebelde.
“Walang political front ang makapagbibigay ng immunity. Walang ‘kangaroo court’ o huwad na hukuman ang maaaring magpalagay na nakatataas ito sa batas. Walang armadong organisasyon ang may karapatang pumatay ng mga walang kalaban-labang Pilipino (No political front can confer immunity. No 'kangaroo court' can place itself above the law. No armed organization has the right to execute defenseless Filipinos),” ayon sa pahayag ng task force.
Naglabas ng pahayag ang NTF-ELCAC matapos sabihin ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ang panawagan ng task force para sa imbestigasyon ng UN ay pagtatangkang “salbahin ang nawalan na ng kredibilidad na kampanya laban sa insurhensiya (salvage its discredited anti-surgency campaign)” at ilihis ang pansin mula sa mga pang-aabuso ng estado at mga paglabag sa pandaigdigang makataong batas.
“Hindi maaaring sagutin ng NDFP ang 99 na naiulat na pagpatay sa pamamagitan ng 99 na palusot. Hindi nito mabubura ang mga pag-amin mismo ng New People’s Army (NPA) sa mga pagpatay sa pamamagitan ng paglilihis sa usapin. Hindi rin nito maaaring gamitin ang karapatang pantao bilang panangga laban sa pagsisiyasat habang hinihiling na tanggapin nang walang pagtatanong ang mga paratang nito laban sa iba (The NDFP cannot answer 99 reported killings with 99 excuses. It cannot erase the NPA's (New People's Army's) own admissions by changing the subject. And it cannot invoke human rights as a shield against scrutiny while demanding that its accusations against others be accepted without question),” ayon sa task force.
Sinabi ng task force na umabot na sa 99 ang bilang ng mga naiulat na pagpatay matapos idagdag ang kaso ni Junard Mansalon, 42, residente ng Sitio Namutang, Barangay Makilignit, Isabela, Negros Occidental, na iniulat na pinatay ng Leonardo Panaligan Command ng NPA noong Oktubre 16, 2026.
“Hindi sapat na itawag ng NDFP na tsismis ang mga pagpatay upang mapawalang-bisa ang mga ito. Naitala na ng NTF-ELCAC ang 99 na umano’y pagpatay at summary execution o pagpatay nang walang wastong paglilitis mula 2021 hanggang Oktubre 2026, kabilang ang pinakahuling naiulat na pagpatay kay Mansalon sa Negros Occidental (The NDFP's dismissal of the killings as gossip is no substitute for evidence. NTF-ELCAC has now documented 99 alleged killings and summary executions between 2021 and October 2026, including the latest reported killing of Mansalon in Negros Occidental),” ayon sa task force.
Hinimok nito ang NDFP na tukuyin ang mga insidenteng sinasabi nitong gawa-gawa lamang, magharap ng mga ebidensiyang sumasalungat sa mga paratang, at magpaliwanag hinggil sa mga pagpatay na kinilala umano ng NPA.

