NCRPO , tiniyak ang seguridad at tulong sa 3-araw na tigil-pasada
Sari Story
September 28, 2026 at 2:36:50 AM
Inatasan ni NCRPO Officer-in-Charge Brig. Gen. Christopher Abrahano ang lahat ng police district at istasyon na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang lokal na pamahalaan, mga opisyal sa transportasyon, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak na nakahanda ang mga hakbang para sa seguridad at pagtulong sa publiko. (Screengrab ng larawan mula sa Facebook page ng NCRPO)
NCRPO / Facebook page
MANILA – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kaligtasan ng publiko at pagbibigay ng tulong sa mga commuter na maaaring maapektuhan ng tigil-pasada mula Lunes hanggang Miyerkules.
Inatasan ni NCRPO Officer-in-Charge Brig. Gen. Christopher Abrahano ang lahat ng police district at istasyon na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang lokal na pamahalaan, mga opisyal sa transportasyon, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak na nakahanda ang mga hakbang para sa seguridad at pagtulong sa publiko, lalo na sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga pasahero at makararanas ng pagkaantala sa transportasyon.
“Makikita ang presensya ng ating mga pulis sa mga estratehikong lugar sa buong Metro Manila. Hindi natin layuning hadlangan ang mapayapang paggamit ng kanilang karapatan, kundi tiyaking ligtas ang lahat—mga nagpoprotesta, commuter, motorista, driver, at publiko—sa kanilang mga Gawain (Our police presence will be visible in strategic areas throughout Metro Manila. Our objective is not to interfere with the peaceful exercise of rights, but to make sure that everyone -- the protesters, commuters, motorists, drivers, and the general public -- can go about their activities safely),” ani Abrahano sa isang pahayag nitong weekend.
Sinabi niyang igagalang ng NCRPO ang karapatan ng mga transport group na mapayapang ipahayag ang kanilang mga hinaing, ngunit hinimok niya ang lahat ng kalahok na tiyaking magiging maayos ang kanilang protesta at igalang ang mga operator at driver na maaaring magpasiyang magpatuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa pampublikong transportasyon habang isinasagawa ang tigil-pasada.
“Pakinggan natin ang ating mga hinaing nang hindi nananakit, nananakot, o nagdudulot ng hindi kinakailangang abala sa publiko (Let us make our voices heard without causing harm, intimidation, or unnecessary inconvenience to the public),” aniya.
Paiigtingin ang police visibility operations sa mga terminal ng transportasyon, pangunahing lansangan, convergence points, business district, paaralan, commercial area, at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng mga commuter.
“Nauunawaan namin na marami sa ating mga manggagawa, estudyante, senior citizen at iba pang commuter ang kailangan pa ring makarating sa kanilang destinasyon sa kabila ng tigil-pasada. Handa ang NCRPO na tumulong sa mga pasaherong maaapektuhan, kabilang ang pagsasagawa ng aming ‘Libreng Sakay’ operations, upang ligtas silang makarating sa kanilang mga trabaho, paaralan, tahanan at iba pang destinasyon (We understand that many of our workers, students, senior citizens and other commuters still need to reach their destinations despite the transport strike. The NCRPO is ready to assist our affected passengers, including through our ‘Libreng Sakay’ (free ride) operations, so that they can safely reach their workplaces, schools, homes and other destinations),” aniya.
“Naroon ang ating mga tauhan upang tumulong, hindi lamang upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan. Kung makikita naming may mga commuter na stranded o nahihirapang makasakay, gagawin namin ang aming makakaya, alinsunod sa aming mandato, upang matulungan sila (Our officers will be there to assist, not only to maintain peace and order. If we see commuters who are stranded or having difficulty getting transportation, we will do what we can within our mandate to help them).”

