Mga tsuper ng taxi, binalaan laban sa paniningil ng sobrang pamasahe ngayong holiday season
Froilan Hernandez Jr.
October 24, 2026 at 8:01:40 AM
Ipinaliwanag ni Acting LTFRB Chairperson Greg Pua Jr. na maaaring humantong sa suspensiyon o pagkansela ng Certificate of Public Convenience (CPC), gayundin sa iba pang parusa, ang mga paglabag sa mga regulasyon laban sa paniningil ng sobrang pamasahe, pagtanggi sa pasahero, at kawalang-galang sa mga commuter.
Mula sa Facebook page ng Philippine News Agency
Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Sabado (Oktubre 24, 2026) sa mga tsuper ng taxi laban sa paniningil ng sobrang pamasahe sa panahon ng dagsa ng mga biyahero ngayong #Undas2026.
Ayon kay Acting LTFRB Chairperson Greg Pua Jr. na maaaring humantong sa suspensiyon o pagkansela ng Certificate of Public Convenience (CPC), gayundin sa iba pang parusa, ang mga paglabag sa mga regulasyon laban sa paniningil ng sobrang pamasahe, pagtanggi sa pasahero, at kawalang-galang sa mga commuter.
Inaasahan ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange na aabot sa humigit-kumulang 1.9 milyon ang mga pasahero, kapareho ng tantiya ng Philippine Ports Authority para sa mga pantalan sa buong bansa.
Inaasahan ding dadagsain ng mga pasahero ang mga terminal ng provincial bus sa Quezon City, Maynila, Pasay City, Caloocan City, at Muntinlupa.

