Mga Pilipino sa Italya, pinayuhang mag-ingat sa mga nakatakdang protesta ngayong Sabado
RA Sibag/Paraluman News; Isinalin ni Sandra Salem/Sari Story Network
October 23, 2026 at 3:34:16 PM
Mga taong naglalakad sa mga mamahaling tindahang nakasara sa loob ng Galleria Vittorio Emanuele II shopping arcade, habang nagsasara ang mga negosyo sa sentro ng Milan dahil sa pangambang muling magkaroon ng kaguluhan kasunod ng mga mararahas na pag protesta noong nakaraang linggo, sa Milan, Italy, Oktubre 19, 2026.
Daniela Mascolo/Reuters
Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Rome ang mga Pilipino sa Italya na manatiling mapagmatyag dahil nakatakda ang mga kilos-protesta at pampublikong pagtitipon sa buong bansa sa paparating na Sabado, Oktubre 24.
Inaasahang magkakaroon ng mga protesta sa ilang pangunahing lungsod, kabilang ang Rome, Milan, Florence, Turin, Bologna, Padua, Bari, at Genoa.
Bagama’t inaasahan ng mga awtoridad na mananatiling mapayapa ang karamihan sa mga pagtitipon, nagbabala ang embahada na nauwi sa magkakahiwalay na mararahas na sagupaan, pagkasira ng ari-arian, pagnanakaw, at pagkaantala sa pampublikong transportasyon ang mga naunang kilos-protesta.
Hinimok ang mga Pilipino na umiwas sa mga lugar na pagdarausan ng protesta, subaybayan ang mga opisyal na abiso, at mahigpit na sundin ang mga tagubilin ng mga lokal na awtoridad sa Italya.
Ayon sa embahada, mahigpit nitong sinusubaybayan ang sitwasyon at nakahandang tumulong sa mga Pilipinong posibleng maaapektuhan.

