Mga ahensyang hawak ni Sen. Loren Legarda sa Budget Hearing, posibleng ibigay sa ibang Senador
Sari Story News
September 2, 2026 at 12:08:43 PM
Ikinukunsidera na ni Senate Committee on Finance Chairman JV Ejercito na palitan si Senator Loren Legarda bilang budget sponsor ng mga ahensyang nakatalaga sa senadora.
Kabilang si Legarda sa walong Vice Chairpersons ng Senate Committee on Finance na mangunguna sa pagbusisi sa 2027 national budget at naka-medical leave hanggang ngayong araw.
Sinabi ni Ejercito na sakaling walang choice, pakikiusapan niya ang ibang vice chairperson na kunin ang mga ahensyang hawak ni Legarda dahil siya mismo ay loaded na rin sa mga malalaking ahensya.
"If there really is no choice, and if I am not the one to handle them, I will ask the other vice chairpersons to take on some of the agencies because it really won’t be manageable", paliwanag ni Ejercito.
Sinabi ni Ejercito na wala pa namang abiso si Legarda sa kanyang medical leave.
Katunayan ay ipinadala niya ang files ng mga kagawaran na i-sponsor ni Legarda at nagpasalamat ang senadora.
"When I last texted her, when I sent her the agencies and departments assigned to her, she just said thank you. She didn’t mention anything else for now. All I know is that she’s on extended medical leave", aniya pa.
Target naman ng komite na masponsoran sa plenaryo at matalakay ang 2027 national budget sa pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre.

