top of page

Habagat, magpapaulan sa Luzon, Visayas ngayong Setyembre 8

Sari Story

September 8, 2026 at 5:50:32 AM

Larawan ng bangka

Larawan ng isang maliit na bangka na nakadaong sa tabing-dagat sa maulap na araw.

Mac McDade / Unsplash sa pamamagitan ng Wix

MANILA — Makakaranas ng mga pag-ulan ang Luzon at Western Visayas dahil sa umiiral na southwest monsoon o habagat, ayon sa weather bureau nitong Martes.


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magdadala mga pag-ulan ang habagat sa Zambales at Bataan.


Posible ang mga biglaang pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.


Makakaranas naman ng panaka-nakang pag-ulan ang Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.


Inaasahan ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, at Western Visayas.


Maaaring magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa mga lugar na ito.


Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mga pulo-pulong pag-ulan dahil sa habagat at localized thunderstorms.


Bahagya hanggang katamtamang lakas ng hangin at bahagya hanggang katamtamang pag-alon ng dagat ang mararanasan sa buong kapuluan.


Samantala, sinabi ng PAGASA na wala itong namo-monitor na low pressure area (LPA) na posibleng maging tropical cyclone.


bottom of page