Mahigit 100,000 lumikas dahil sa sigalot sa Yemen, ayon sa UN
Sari Story
September 17, 2026 at 4:12:12 AM
Lumapit ang mga staff sa isang bangkang sakay ang mga refugee mula Yemen na tumatakas sa sagupaan sa pagitan ng mga mandirigmang Houthi at mga puwersa ng gobyernong Yemeni na suportado ng Saudi Arabia, matapos dumating sa Djibouti, Setyembre 12, 2026, sa screengrab na ito mula sa isang video.
International Organization for Migration / Reuters
Sinabi ng United Nations refugee agency noong Martes na mahigit 100,000 katao ang lumikas sa loob ng Yemen dahil sa panibagong sigalot sa bansa, habang libo-libo pa ang tumakas sakay ng mga bangka patungong Djibouti.
"Nananatiling malaking hamon ang pag-access para sa mga humanitarian operation. Nakaaapekto sa aming mga operasyon ang kawalan ng seguridad, mga nasirang kalsada, pagkaantala sa telekomunikasyon at mga paghihigpit sa paggalaw (Humanitarian access remains a major challenge. Insecurity, damaged roads, telecommunications disruptions and movement restrictions are affecting operations)," ayon sa pahayag ng UNHCR.
Pinaigting ng mga Houthi sa Yemen, na kaalyado ng Iran, ang kanilang mga pag-atake sa mga lungsod at imprastraktura ng enerhiya ng Saudi Arabia, habang sumusulong sila sa kahabaan ng baybayin ng Yemen sa Red Sea patungo sa Bab el-Mandeb Strait.
Bilang tugon sa opensiba ng mga Houthi, binomba ng hukbong panghimpapawid ng Saudi Arabia at Yemen ang mga target ng grupo.

