top of page

LRT-2, nag-aalok ng libreng sakay para sa National Statistics Month

Sari Story

October 1, 2026 at 5:26:19 AM

Larawan ng mga nakapilang pasahero sa LRT-2

Screen grab ng larawang inilathala sa Facebook page ng Light Rail Transit Authority.

Light Rail Transit Authority / Facebook page

Nag-aalok ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng sakay sa LRT-2 ngayong Huwebes, Oktubre 1, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-37 National Statistics Month.

 

Maaaring makakuha ng libreng sakay ang mga pasahero mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi sa pamamagitan ng pagpapakita ng pisikal, printed, o digital na kopya ng National ID sa mga security personnel ng istasyon.

 

bottom of page