top of page

Lima sugatan, dalawa nawawala sa sunog sa pabrika ng Panasonic sa Taiwan

Farah Master; Isinalin ni Sandra Samala-Salem/ Sari Story Network

November 4, 2026 at 9:56:14 AM

Larawan ng Sunog

Larawan ng Sunog

David Hoefler / Unsplash via Wix

TAIPEI — Sumiklab ang sunog nitong Miyerkules sa isang pabrika sa Taiwan na pinatatakbo ng isang subsidiary ng Panasonic ng Japan, na ikinasugat ng limang katao habang dalawa pa ang nawawala, ayon sa mga opisyal sa Hsinchu County.


Dinala sa ospital ang mga nasugatan, dagdag ng mga awtoridad ng county.


Hindi pa agad tumugon ang Panasonic sa kahilingan para sa pahayag hinggil sa insidente.


Ang Panasonic Industrial Devices Materials Taiwan ay nagsusuplay ng mga materyales sa mga gumagawa ng printed circuit boards sa Taiwan, na mahalagang bahagi ng mga elektronikong produkto gaya ng mga computer at AI server.


— Wen Yee Lee sa Taipei; Isinulat ni Farah Master; Inedit ni Clarence Fernandez/Reuters


bottom of page