top of page

Lalaki, patay matapos pumasok sa kulungan ng tigre sa zoo sa Britanya

Sari Story

October 12, 2026 at 2:35:54 AM

Larawan ng Tigre

FILE PHOTO: Isang tigre sa loob ng kulungan.

Craig Thomas / Unsplash sa pamamagitan ng Wix

 

LONDON – Nasawi ang isang lalaki nitong Sabado matapos pumasok sa kulungan ng tigre sa Yorkshire Wildlife Park at atakihin ng hayop, ayon sa pulisya ng Britanya.

 

Sinabi ng South Yorkshire Police na rumesponde ang mga opisyal sa zoo matapos makatanggap ng ulat na isang lalaki ang pumasok sa kulungan ng tigre. Idinagdag nito na wala nang ibang banta sa kaligtasan ng publiko.

 

“Naipaalam na sa pamilya ng lalaki ang insidente at binibigyan sila ng suporta ng mga espesyalista. Nakikiramay kami sa kanila sa gitna ng mahirap na panahong ito,” ayon sa pahayag ng pulisya.

 

Samantala, sinabi ng Yorkshire Wildlife Park na pansamantala nitong isinara ang pasilidad matapos ang isang “seryosong insidente” na kinasasangkutan nang nakakulong na tigre. Nakikipagtulungan na rin ito sa mga awtoridad upang matukoy ang mga pangyayari sa likod ng insidente.

 

Mananatiling sarado ang zoo hanggang Linggo, dagdag nito.

 

“Nananatiling pangunahing prayoridad namin ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga bisita, kawani, at mga hayop,” ayon sa pahayag na inilathala sa website ng Yorkshire Wildlife Park.

 

bottom of page