Kontra-fake news: Gobyerno, nilinaw na walang barangay elections sa Nobyembre 28
Sari Story
October 9, 2026 at 8:27:42 AM
Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko laban sa isang binagong infographic na kumakalat sa social media na nagsasabing magkakaroon ng “Special Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)” sa Nobyembre 28.
“Pekeng balita ang Facebook post na ito ng isang nagngangalang Rosas Marlon Vlogs na nagsasabing magkakaroon ng Special Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 28, 2026 (This Facebook post by a person named Rosas Marlon Vlogs is fake news claiming that there will be a Special Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) on November 28, 2026),” ayon sa Comelec sa isang post sa social media nitong Biyernes.
“Binago ang infographic na ito upang palabasing ang kalendaryo ng mga aktibidad para sa special elections sa nag-iisang legislative district ng lalawigan ng Batanes ay para sa BSKE (This infographic was manipulated to make it appear that the Calendar of Activities for the Special Elections in the Lone Legislative District of the Province of Batanes is for the BSKE),” dagdag pa ng ahensya.
Nilinaw ng poll body na gaganapin sa Nobyembre 28 ang special election para sa nag-iisang congressional district ng Batanes upang mapalitan ang yumaong si Ciriaco Gato Jr.
“Walang halalan para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa lalawigan ng Batanes at sa buong bansa sa Nobyembre 28, 2026 (There will be no Barangay and Youth Council elections in the Province of Batanes and the entire nation on November 28, 2026),” giit pa ng Comelec.
Pumanaw si Gato, 66-anyos, dahil sa atake sa puso noong Setyembre 21. Nasa ikatlo at huling termino na siya bilang kongresista.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang batas ang Republic Act No. 12326 noong Setyembre 24, na nag-aatas na ipagpaliban ang BSKE na orihinal na nakatakda sa Nobyembre 2 ngayong taon at ilipat ito sa Nobyembre 2028.
Itinakda rin ng batas sa limang taon ang termino ng panunungkulan ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan.

