top of page

Isaias, naging unang Atlantic hurricane ng 2026

Sandra Samala-Salem

October 8, 2026 at 12:20:55 PM

Larawan ng Tropical Storm Isaias

Satellite image ng Tropical Storm Isaias noong Oktubre 7, 2026, mula sa isang kuhang larawan mula sa handout video.

Reuters / CSU / CIRA & NOAA

Naging unang hurricane ng 2026 Atlantic season ang Hurricane Isaias, na nagdulot ng pansamantalang paghinto ng produksyon at paglikas sa ilang pasilidad ng enerhiya sa US Gulf.


Ayon sa US National Hurricane Center nitong Huwebes, nasa tinatayang 715 kilometro timog-timog-kanluran ng bukana ng Mississippi River ang Isaias, taglay ang maximum sustained winds na 120 kilometro kada oras.


Sinabi ng NHC na inaasahan pang lalakas ang bagyo at mananatili itong isang malakas na hurricane habang papalapit sa hilagang bahagi ng Gulf Coast sa Biyernes ng gabi.


Inaasahang daraan ang hurricane sa mga lugar na may malaking produksyon ng langis at natural gas sa karagatan, gayundin sa mga refinery sa kalupaan, na maaaring makaapekto sa suplay at lalo pang magpataas sa presyo ng gasolina na mataas na ngayon.


Nilimitahan naman ng malakas na El NiƱo weather pattern ang pagbuo ng mga hurricane sa Atlantic ngayong taon dahil lumilikha ito ng hindi kanais-nais na kondisyon ng hangin na humahadlang sa paglakas ng mga bagyo.


Sinabi ng mga energy company sa US gaya ng Shell at Chevron na binabawasan nila ang kanilang offshore operations sa mga pasilidad sa Gulf.


Ayon sa Marine Minerals Administration, pagsapit ng Miyerkules, pansamantalang isinara ng mga producer ng langis at natural gas sa US Gulf of Mexico ang humigit-kumulang 25.08% ng kasalukuyang oil production at 16.37% ng kasalukuyang natural gas production.


bottom of page