France, magdedeploy ng 70,000 security personnel para sa protesta sa Oktubre 24
Dominique Vidalon; Isinalin ni Sandra Salem/Sari Story Network
October 23, 2026 at 3:34:16 PM
PARIS — Idineklara ni French Interior Minister Laurent Nunez nitong Biyernes na magpapakalat ng 70,000 security personnel sa buong bansa upang mapanatili ang kaayusan sa Sabado. Dagdag niya, may mga panawagan mula sa mga grupong ultra-left para sa pandarambong at karahasan.
“Tingnan ninyo ang social media: May mga panawagan mula sa mga grupong dulong kaliwa na puntiryahin ang mga pampublikong gusali (Look at social media: There have been calls from the far-left to target public buildings).” “Hindi ito basta mapayapang protesta (We are not talking about a nice protest),” sinabi ni Nunez sa mga mamamahayag.
“Handa kaming kumilos nang napakahigpit bukas at hindi magpapalampas ng anumang paglabag

