Estudyante sa Northern Samar, nahulihan ng baril, bala sa loob ng paaralan
Lloyd Caliwan Philippine News Agency; Isinalin ni Sandra Samala-Salem/ Sari Story Network
October 2, 2026 at 11:35:39 AM
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isang 15-anyos na Grade 10 student ng Catarman National High School matapos makumpiska sa kanyang bag ang isang .45-caliber na baril, apat na magazine at 10 bala, ayon kay Police Regional Office-8 spokesperson Lt. Col. Anna Armeza nitong Biyernes, Oktubre 2, 2026.
Ayon kay Armeza, natuklasan ang baril nitong Huwebes, Oktubre 1, matapos ireport ng isang kaklase ang estudyante sa kanilang guro na agad namang nagbigay-alam sa mga awtoridad.
Sinabi ng estudyante sa mga imbestigador na pag-aari ng kanyang ama ang baril.
Sinabi ng estudyante sa mga imbestigador na pag-aari ng kanyang ama ang baril.

