El Niño, pinakamalakas na naitala, ayon sa ahensiya ng panahon ng Japan
Sandra Samala-Salem
October 9, 2026 at 10:56:59 AM
Nagtitipon ang mga pelican sa baybayin ng isang daungan ng pangingisda sa Chorrillos, Lima, Peru, noong Setyembre 27, 2026, habang nagpaalala ang mga grupong pangkalikasan na ang pag-init ng tubig sa Karagatang Pasipiko dahil sa El Niño at mga pagbabago sa ekosistemang pandagat ay nagpapababa sa dami ng isdang mapagkukunan ng pagkain ng mga ibong-dagat sa baybayin ng Peru.
Sebastian Castañeda/Reuters
TOKYO - Lalong lumakas ang El Niño at umabot sa pinakamalakas na antas na naitala mula Setyembre, ayon sa ahensiya ng panahon ng Japan nitong Biyernes. Sinabi rin nitong 100 porsiyento ang posibilidad na magpatuloy ang ganitong kondisyon hanggang sa taglamig sa Hilagang Hemisperyo.
Noong Setyembre, umabot sa 4.0 digri Celsius (7.2 digri Fahrenheit) sa ibabaw ng karaniwang antas ang temperatura ng dagat sa rehiyong sinusubaybayan para sa El

