top of page

DMW: Walang nasaktang Pinoy sa Riyadh, Saudi Arabia matapos ang pag-atake ng Houthi

Sari Story

September 22, 2026 at 2:47:07 AM

Larawan ng watawat ng Saudi Arabia

Larawan ng watawat ng Saudi Arabia mula sa Wix.

Omar al Ghosson / Unsplash sa pamamagitan ng Wix

MAYNILA – Walang Pilipinong nasaktan sa Riyadh, Saudi Arabia, kasunod ng mga pag-atake gamit ang drone at ballistic missile na inilunsad ng mga militanteng Houthi nitong Biyernes at Sabado, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).


“Mahigpit na tinututukan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Migrant Workers Offices (MWOs) sa Kingdom of Saudi Arabia, at koordinasyon sa Philippine Embassy at Consulate (The Department of Migrant Workers (DMW) is closely monitoring the situation of Filipinos in Saudi Arabia through the Migrant Workers Offices (MWOs) in the Kingdom of Saudi Arabia, in close coordination with the Philippine Embassy and Consulate),” saad ng DMW sa isang pahayag nitong Lunes.


“Nakahanda ang Embahada at Konsulado na tumulong sa mga overseas Filipino worker (OFW) na maaaring mangailangan ng tulong (The Embassy and Consulate are ready to assist overseas Filipino workers (OFWs) who may need help),” dagdag ng ahensya.


Ayon kay Houthi military spokesman Yahya Saree nitong Sabado, nagsagawa ang grupo ng mga operasyong militar na pumuntirya sa mahahalagang lugar sa kabisera ng Saudi na Riyadh, at sa ikalawang pag-atake ay tinarget ang mga pasilidad ng Aramco sa Yanbu, bilang ganti umano sa mga pag-atake kamakailan sa kabisera ng Yemen na Sanaa.


Samantala, sinabi ni Maj. Gen. Turki Al-Malkithe, opisyal na tagapagsalita ng Coalition to Restore Legitimacy in Yemen, na matagumpay na naharang at nawasak ng Royal Saudi Air Defense Forces ang isang ballistic missile na inilunsad ng Houthi patungong Riyadh, madaling-araw nitong Sabado, Setyembre 19, 2026.


Payo ng DMW sa mga Pilipino sa Saudi Arabia, manatiling mapagmatyag at sundin ang mga safety instruction at advisory na inilalabas ng mga awtoridad ng Saudi Arabia.


Ang mga OFW at kanilang pamilya na nangangailangan ng agarang tulong ay maaaring makipag-ugnayan sa Migrant Workers Offices ng DMW sa Saudi Arabia o tumawag sa hotline na 1348 para sa mga nasa Metro Manila, 02 1348 para sa mga nasa labas ng Metro Manila, at +632 1348 para sa mga nasa ibang bansa.


Maaari ring makipag-ugnayan ang mga OFW sa Saudi Arabia sa mga sumusunod:

  • MWO Riyadh Labor Attaché Dominador Salanga: +966502850944 

  • MWO Jeddah Labor Attaché Fidel Macauyag: +96569819720 

  • MWO Alkhobar Labor Attaché Sulaiman Mutya: +966562329926 


“Patuloy na susubaybayan ng DMW ang mga kaganapan at maglalabas ng mga update kapag may mga bagong impormasyong makukuha. Pinapayuhan ang mga OFW na nangangailangan ng agarang tulong na makipag-ugnayan sa naaangkop na MWO o sa mga DMW hotline na nakalista sa itaas (The DMW will continue to monitor developments and issue updates as information becomes available. OFWs requiring immediate assistance are advised to contact the appropriate MWO or the DMW hotlines listed above),” saad ng DMW.


bottom of page