top of page

Dimasalang Bridge sa Maynila, muling bubuksan sa Oktubre 20

Sandra Samala-Salem

October 7, 2026 at 11:27:02 AM

Larawan ng mga manggagawa ng DPWH

Screengrab ng larawang ipinost sa Facebook page ng Department of Public Works and Highways

Facebook/DPWH

Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Miyerkules na muling bubuksan sa mga motorista ang bagong rehabilitadong Dimasalang Bridge sa Manila sa Oktubre 20, matapos ang apat at kalahating buwang konstruksyon. 

Sa isinagawang inspeksiyon nitong Miyerkules, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na malapit nang makumpleto ang 56-anyos na estruktura, kung saan tinatapos na lamang ang mga huling bahagi ng northbound lane sa Sampaloc.

“Malapit na natin itong buksan—sana sa loob ng susunod na dalawang linggo. Malamang Oktubre 20 ang target na petsa ng muling pagbubukas,” ani Dizon.

Kabilang sa mga isinasagawang trabaho ang paglalatag ng aspalto at pagkakabit ng mga railings para mas mapatibay ang tulay.

“Ang maganda rito, nagsimula lamang ang proyekto noong Hunyo—mahigit apat na buwan pa lamang ang lumipas. Gaya ng paulit-ulit na binibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi dapat nananatiling konsepto lamang ang pagbabago. Dapat itong makita sa mga proyektong mabilis at maayos na natatapos (What’s great is that this project only started last June — it has been just over four months. As President Ferdinand R. Marcos Jr. has repeatedly emphasized, change shouldn't just be a concept, it must be demonstrated through projects that are completed quickly and properly),” ani Dizon.

Kabilang sa mga isinasagawang trabaho ang paglalatag ng aspalto at pagkakabit ng mga railings para mas mapatibay ang tulay.

“Nais nating patunayan—alinsunod sa direktiba ni PBBM—na kaya itong gawin, basta seryosohin natin ang trabaho, huwag mag-shortcut, at tiyaking maayos na natatapos ang proyekto (We want to prove — in line with PBBM's directive — that it can be done, provided we take the work seriously, avoid cutting corners, and ensure the job is done properly),” ani Dizon.

May budget na P160 milyon ang rehabilitation project.

bottom of page