top of page

Dalawang Pilipinong marino, nasawi sa Strait of Hormuz security incident

Sari Story

September 2, 2026 at 2:20:34 PM

Mga barko malapit sa Strait of Hormuz

Mga barkong malapit sa Strait of Hormuz, kuha mula sa Musandam, Oman, Agosto 31, 2026.

Kuha mula sa stringer ng Reuters

Dalawang Pilipinong marino ang nasawi sa isang security incident habang naglalayag ang kanilang barkong “SIDR” sa Strait of Hormuz noong Lunes, Agosto 31, ayon sa shipping company ng Saudi Arabia na Bahri.

 

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang kompanya hinggil sa insidente.

 

Nitong Lunes, sinabi ng maritime security agency na UKMTO na isang tanker ang nag-ulat na tinamaan ng tatlong hindi matukoy na projectiles habang palabas ito sa Strait of Hormuz.

 

Nagbanta naman ang Iran na haharangin ang mga tanker na magtatangkang dumaan dito nang walang pahintulot.

 

“Bahri remains in continuous contact with the vessel and is coordinating closely with the relevant authorities and maritime industry stakeholders, while continuing to closely monitor developments,” ayon sa pahayag ng kompanya.

 

Isang buwan bago ang insidente, isa pang barko ng Bahri ang tinamaan malapit sa Strait of Hormuz. Naglalayag noon ang supertanker na Wedyan sa ruta malapit sa baybayin ng Oman.

 

Dalawa pang barko ng Bahri, ang AMZAN at MASA, ang inatake sa Red Sea matapos ideklara ng Houthis ng Yemen, na suportado ng Iran, ang isang naval blockade laban sa Saudi Arabia.

 

bottom of page