top of page

Christa Pike, sinisikap iligtas ng mga medical staff matapos mabigong bitayin sa US

Sandra Samala-Salem

October 3, 2026 at 8:31:15 AM

Larawan ni John North

Ibinahagi ng saksing si John North ng WBIR ang kaniyang nasaksihan sa nakaplanong pagbitay kay Christa Pike sa Riverbend Maximum Security Institution sa Nashville noong Set. 30, 2026. Hindi pa idinadeklarang patay si Pike nang hilingan ang mga saksi na lumabas sa silid kung saan sila nanonood.

Denny Simmons/The Tennessean/USA TODAY NETWORK mula sa Imagn Images

NASHVILLE, Tennessee — Walang malay, naka-intubate at umaasa sa tulong ng ventilator para makahinga si Christa Pike, isang convicted murderer, matapos mabigong maisagawa ng Tennessee ang kanyang execution. Ayon sa kanyang mga abogado noong Biyernes, ito ang unang detalyadong ulat hinggil sa lawak ng mga pinsalang tinamo niya sa isinagawang lethal injection.


Sinisikap ng mga kawani ng ospital na iligtas ang buhay ni Pike at alisin sa kanyang katawan ang nakamamatay na gamot na pentobarbital, ayon sa kanyang mga abogado. Nakasaad ito sa isang emergency court filing na humihiling ng utos na obligahin ang Tennessee Department of Correction na pangalagaan ang mga ebidensya mula sa sablay na execution noong Miyerkules ng gabi.


Nananatili si Pike sa kritikal na kondisyon, ayon sa kanyang mga abogado, dalawang araw matapos siyang turukan ng estado ng dalawang dosis ng pentobarbital ngunit nabigong kumitil sa kaniyang buhay. Nakaranas din siya ng malubhang pinsala sa magkabilang braso, dagdag ng mga ito.


“Sa anumang pagkakataon, walang sinumang miyembro ng execution team ang nakapansin na hindi maayos ang pagkakalagay ng mga IV line o na pumutok ang mga ugat, at na ang pentobarbital ay buo man o bahagyang pumapasok sa katawan ni Ms. Pike (At no point did any member of the execution team realize that the IV lines were not correctly placed or that the veins had blown and that the pentobarbital was, in whole or in part, entering Ms. Pike’s body),” ayon sa mga abogado ni Pike sa isang filing sa Chancery Court for the State of Tennessee Twentieth Judicial District.


Ipinapakita ng naturang legal filing ang pinakamalinaw na larawan ng mga epektong medikal mula sa nabagong pagbitay, na ayon kay Tennessee Governor Bill Lee ay sumunod naman sa opisyal na protocol ng estado. Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong taon na pumalpak ang bitay sa naturang estado, dahilan upang pansamantalang itigil ni Lee ang lahat ng parusang bitay sa nalalabing bahagi ng 2026 at mag-utos ng isang independiyenteng imbestigasyon sa kaganapan.


Sinabi ng mga abogado ni Pike na may kaugnayan sa intravenous access ang naging problema ng execution team sa pagbibigay ng gamot—isang isyung sinabi nilang ipinaalam na nila sa estado at sa mga korte bago ang execution.


Si Pike, 50, ay nahatulan sa pagpatay sa kanyang 19-anyos na kaklaseng si Colleen Slemmer noong 1995, nang 18 taong gulang pa lamang si Pike. Nakatakda sana siyang maging unang babaeng bitayin sa Tennessee sa loob ng mahigit dalawang siglo.


bottom of page