top of page
China, nalugi ng $30 bilyon dahil sa mga natural na sakuna sa unang siyam na buwan ng 2026
Farah Master and the Beijing Newsroom / Reuters; Isinalin ni Sandra Salem/Sari Story Network
October 22, 2026 at 10:29:15 AM
HONG KONG — Umabot sa 199.36 bilyong yuan ($29.9 bilyon) ang direktang pagkalugi sa ekonomiya ng China dulot ng mga natural na sakuna sa unang siyam na buwan ng 2026, ayon sa Ministry of Emergency Management nitong Huwebes. Kabilang sa mga matitinding sakuna ang mga bagyo, pagbaha, malalakas na pag-ulan, at mga sakunang heolohikal.
Ayon sa ministeryo, 562 katao ang namatay o nawawala dahil sa mapaminsalang sakunang tumama sa Nepal at Tibet noong Agosto. Hindi nagbago ang bilang na ito kumpara sa naunang anunsyo.
( $1 = 6.6743 Chinese yuan )
bottom of page

