top of page

Anim na taong gulang na bata, lalaki, nasawi matapos araruhin ng truck ang soccer game ng mga bata sa Kansas

Karen Freifeld and Jasper Ward / Reuters; Isinalin ni Sandra Samala-Salem/Sari Story Network

October 18, 2026 at 7:53:47 AM

Larawan ng pinangyarihan ng insidente

Rumesponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente kung saan isang sasakyan ang bumangga sa isang soccer game sa Stryker Sports Complex sa Wichita, Kansas, United States, noong Oktubre 17, 2026, batay sa isang kuha mula sa video.

ABC Affiliate KAKE mula sa REUTERS

WASHINGTON — Nasawi ang isang anim na taong gulang na batang lalaki at isang 35-anyos na lalaki matapos araruhin ng isang truck ang isang soccer game ng mga kabataan sa Wichita, Kansas, habang 10 iba pa ang isinugod sa ospital dahil sa mga pinsalang natamo, ayon sa pulisya nitong Sabado.


Mula sa minor hanggang sa malubha ang mga pinsalang natamo ng mga biktima, ngunit wala umanong nasa panganib na mamatay, ayon kay Wichita Police Captain Aaron Moses sa isang news conference. Idineklara namang patay sa pinangyarihan ang dalawang nasawi, aniya.


Ayon kay Moses, isang 34-anyos na babae ang nagmamaneho ng truck na napunta sa isang bakanteng lote sa kanlurang bahagi ng Stryker Sports Complex. Nakikipagtulungan naman umano ang babae sa mga imbestigador. Gayunman, nang tanungin kung inaresto na ito, sinabi lamang ni Moses na nasa kustodiya siya ng mga awtoridad.


bottom of page