top of page

Air Force, kinumpirmang dalawang trainer plane ang sangkot sa ‘insidente’ sa himpapawid ng Batangas

Philippine News Agency; Isinalin ni Sandra Salem/Sari Story Network

October 24, 2026 at 8:01:40 AM

Larawan ng logo ng Philippine Air Force

Ayon sa PAF, nagpadala na ng mga response team upang tiyakin ang seguridad ng lugar at magsagawa ng paunang pagsusuri.

Philippine Air Force

MANILA — Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na dalawang SF-260 trainer plane nito ang nasangkot sa isang “insidente” habang nagsasagawa ng training flight sa himpapawid ng Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas, nitong Biyernes.


Sa pahayag nito noong Biyernes ng gabi, sinabi ng PAF na naganap ang insidente bandang alas-3:51 ng hapon.


“Agad na ipinatupad ang mga hakbang sa pagtugon nang mangyari ang insidente. Nananatiling pangunahing prayoridad namin ang kaligtasan at kapakanan ng mga tauhang sangkot, gayundin ng mga indibidwal na nasa paligid ng lugar kung saan naganap ang insidente,” pahayag ng PAF (Immediate response measures were activated upon the occurrence of the incident. Our primary priority remains the safety and welfare of the personnel involved, as well as the individuals within the vicinity of the incident site).”


Ayon sa PAF, ipinadala na ang mga response team upang tiyakin ang seguridad ng lugar at magsagawa ng paunang pagsusuri.


“Magbibigay kami ng napapanahong mga update habang nagiging available ang karagdagang impormasyon,” dagdag nito (We will provide timely updates as more information becomes available).”


Hindi pa kinukumpirma ng PAF ang eksaktong sanhi ng insidente at kung mayroon itong nasawi o nasugatan.



bottom of page