top of page

Afghanistan, nanawagan sa US na tiyakin ang responsableng deportasyon ng mga Afghan immigrant

Isinalin ng Sari Story Network

November 3, 2026 at 1:22:12 AM

Larawan ng watawat ng Afghanistan

Larawan ng watawat ng Afghanistan sa harap ng bughaw na kalangitan.

Muhammad Nabeel / Unsplash sa pamamagitan ng Wix

Hiniling ng gobyerno ng Afghan Taliban sa Estados Unidos na maging responsable sa pagpapauwi ng mga Afghan immigrant, ayon sa Afghan foreign ministry nitong Lunes. Iginiit din nitong handa ang Kabul na makipag-usap sa Washington hinggil sa isyu.


Plano ng administrasyon ni US President Donald Trump na ipa-deport ang ilang Afghan immigrant pabalik sa Afghanistan, ayon sa isang opisyal ng US at isang koalisyon ng mga beterano at advocacy group nitong Biyernes.


“Handa ang panig ng Afghanistan, habang nauunawaan ang umiiral na mga realidad at isinasaalang-alang ang lehitimong interes ng dalawang panig, na makipag-ugnayan nang konstruktibo at batay sa pagkakaunawaan hinggil sa usaping ito (The Afghan side is prepared, while understanding the existing realities and taking into consideration the legitimate interests of both sides, to engage constructively and on the basis of mutual understanding in this regard),” pahayag ng Afghan Taliban foreign ministry. 


Inaasahang mahigit 150 Afghan immigrant ang ipapa-deport, ayon sa ulat ng New York Times nitong Biyernes. Dagdag nito, maaaring maisagawa ang unang flight sa Lunes.


Dadaan sa Pakistan ang pagpapauwi sa mga ito dahil hindi direktang maisasaayos ng Washington ang deportation patungong Afghanistan, bunsod ng kawalan nito ng diplomatikong ugnayan sa pamahalaang Taliban.


“Hindi dapat ituring ng mga ikatlong bansa ang mga mamamayan ng ibang bansa bilang bagay na maaaring ipagpalit kapalit ng limited temporary concessions o iba pang konsiderasyon (Third countries should not treat the citizens of another country as a matter of bargaining in exchange for limited temporary concessions or other considerations),” ayon sa pahayag ng Afghanistan.


Patuloy ang alitan ng Pakistan at Afghanistan kaugnay ng mga pag-atake ng mga militanteng grupo. Inaakusahan ng Islamabad ang Kabul na kumukupkop sa mga militanteng nagsasagawa ng mga stage cross-border attack. Itinanggi naman ng Kabul ang paratang.


bottom of page