top of page

Abogadong si Levi Baligod, 14 pa, dinakip sa San Juan dahil sa unjust vexation

Lloyd Caliwan/Philippine News Agency; Isinalin ni Sandra Samala-Salem/Sari Story Network

October 16, 2026 at 12:22:24 PM

Larawan ni Atty. Levito Baligod

Kuha mula sa larawang inilathala sa Facebook page ni Atty. Levito Baligod.

Levito D. Baligod/Facebook

Kinumpirma ni San Juan City police chief Col. Anthony Gantang nitong Biyernes, Oktubre 16, 2026, na dinakip ang abogadong si Levito “Levi” Baligod at 14 na iba pa sa harap ng New Hall ng San Juan City Hall of Justice, alinsunod sa warrant of arrest dahil sa kasong unjust vexation na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act.


Ayon sa pulisya, dinala ang mga inaresto para sa dokumentasyon at sasailalim sa pagsusuring medikal bago ilipat sa pasilidad ng pulisya ng lungsod na pinaglalagyan ng mga detenido.


Iniuugnay ang grupo sa kontrobersiyal na mga alegasyon tungkol sa “maleta” na kinasasangkutan ng dating Ako Bicol party-list representative na si Zaldy Co. Ayon sa mga dating bodyguard ni Co, naghatid umano sila ng mga maletang naglalaman ng pera sa iba’t ibang personalidad.


bottom of page