top of page

2026 Bar Exams, umarangkada na; Mahigit 12,000 examinees, sumabak

Sari Story

September 7, 2026 at 7:10:19 AM

Larawan ng mga kukuha ng Bar Exams

Kuha sa unang araw ng 2026 Bar Examinations nitong Setyembre 6, 2026

Supreme Court of the Philippines / Facebook

MAYNILA — Pormal nang sinimulan nitong Linggo, Setyembre 6, ang 2026 Bar Examinations, na nilahukan ng 12,029 examinees mula sa 13,441 na rehistradong aplikante.


Ayon sa datos na inilabas ng Supreme Court Public Information Office, mas marami ang mga kababaihan sa mga aplikanteng kumukuha ng Bar Exams ngayong taon sa 15 local testing centers sa buong bansa.


Batay sa datos ng Korte Suprema, 6,773 babae at 5,256 lalaki ang dumalo sa unang araw ng pagsusulit.


Ipinakita rin ng datos ng Korte Suprema ang malawak na age range ng mga law graduate na naghahangad na maging ganap na abogado sa bansa. 24-anyos ang pinakabatang examinee ngayong taon, habang 84-anyos naman ang pinakamatanda.


Naglaan din ng tulong sa iba't ibang testing sites para matiyak ang isang inclusive na proseso ng pagsusulit para sa 304 persons with disabilities (PWDs) at 285 senior citizens.


Pinangungunahan ni 2026 Bar Chairperson at Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan ang pagsasagawa ng digitalized Bar Examinations, habang nagsisilbing national headquarters ang San Beda College Alabang.


Sa unang araw ng Bar Exams, sinuri ang mga examinee sa Political and Public International Law at Commercial and Taxation Laws.


Magpapatuloy ang tatlong araw na Bar Examinations sa Miyerkules, Setyembre 9, at magtatapos sa Linggo, Setyembre 13.


bottom of page