1.4 milyong estudyante sa Indonesia, napilitin mag-aral online dahil sa usok mula wildfires
Sari Story
September 3, 2026 at 9:32:15 AM
Isang bumbero mula sa wildlife foundation na Yayasan Inisiasi Alam Rehabilitasi Indonesia ang nagmamasid sa mga wildfire na nasusunog sa isang peatland area na katabi ng kanilang orangutan rehabilitation center sa Ketapang Regency, West Kalimantan Province, Indonesia, Agosto 28, 2026.
Kuha ni Willy Kurniawan/Reuters
JAKARTA – Humigit-kumulang 1.4 milyong estudyante sa anim na lalawigan ng Indonesia ang lumipat sa online learning dahil sa hindi magandang kalidad ng hangin na dulot ng wildfires, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkules.
Hanggang nitong Setyembre 2, nasa 1.43 milyong estudyante mula sa 12,874 paaralan sa anim na lalawigan ang pinakamalubhang naapektuhan ng mga sunog sa kagubatan ang nagsagawa ng remote learning, ayon kay Gogot Suharwoto, education ministry official.
Pinaiigting ng Indonesia ang mga hakbang upang mapigilan ang makapal na usok na dulot ng mga wildfire sa anim na lalawigan. Kabilang dito ang Riau, Jambi at South Sumatra sa isla ng Sumatra, gayundin ang West Kalimantan, Central Kalimantan at South Kalimantan sa Borneo.
Sa 1.43 milyong estudyante, 1.1 milyon ang nasa West Kalimantan, ayon kay Gogot, ito ang lalawigang nakapagtala ng pinakamalawak na wildfire ngayong taon.
Tatagal ang remote learning mula Agosto 31 hanggang Setyembre 4 at patuloy na susuriin kada tatlong araw, ayon kay Gogot.
Ang desisyon na magsagawa ng online learning ay ibabatay sa Air Pollution Standard index sa bawat rehiyon, ayon sa opisyal.
Ipatutupad ang remote learning kapag lumampas ng 200 ang index sa isang lugar, dagdag ni Gogot.
Karamihan sa mga rehiyon sa Kalimantan ay nagtala ng antas ng polusyon sa hangin na lampas 200 nitong Miyerkules, habang may ilang lugar na lumampas pa sa 1,000, ayon sa datos ng Forestry Ministry. Pinakamalubhang naapektuhan ang Southeast Pontianak sa lalawigan ng West Kalimantan, na nagtala ng 1,023.
Batay sa air quality classification system ng Indonesia, maituturing na “hazardous” o mapanganib ang hangin kapag lampas 300 ang index..
“School principals are authorized to take immediate action in urgent situations. They do not have to wait until conditions worsen or spend too long consulting with other authorities,” sabi ni Gogot.
Ayon sa datos ng Forestry Ministry, humigit-kumulang 200,000 ektarya ng lupa ang nasunog dahil sa mga wildfire sa unang pitong buwan ng taon, at halos dumoble noong Hulyo lamang.
Nasa 73,310 ektarya naman ng lupa ang nasunog sa anim na prayoridad na lalawigan, ayon sa datos ng Forestry Ministry.

