top of page
Walang rekord na umalis ng Pilipinas si Atong Ang, ayon sa DOJ
Sari Story News
October 21, 2026 at 3:30:17 PM
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida, walang tala ang Kawanihan ng Imigrasyon (BI) na nagpapakitang umalis ng bansa ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na tinukoy bilang umano’y utak sa likod ng pagkawala ng mga sabungero.
Gayunman, hindi direktang sumasalungat ang pahayag ni Vida sa sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na umano’y gumamit si Ang ng “backdoor” o palihim na ruta upang makalabas ng bansa.
bottom of page
