top of page
NBI, pinatawan ng subpoena ang “Machong Chismisan” hosts kaugnay ng umano’y diskriminasyon sa PWDs
Sari Story News
October 21, 2026 at 3:24:25 PM
Naglabas ng patawag ang Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI) laban sa mga nasa likod ng podcast na “Machong Chismisan” kaugnay ng umano’y pampublikong pagpapahiya kay Joshua Aquino, na kabilang sa autism spectrum.
Sa isang pagpupulong sa media kasama si 1PWD Party-list Rep. JD Castro, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na dapat magsilbing paalala ang kasong ito na walang lugar sa lipunan ang diskriminasyon at kawalang-galang sa mga taong may kapansanan (PWD).
bottom of page
