top of page
Nais ng CIDG na humarap ang opisyal ng BARMM kaugnay ng imbestigasyon sa ilegal na droga
Sari Story News
October 21, 2026 at 3:35:29 PM
Hinimok ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Sultan Edrieza Nasser Rimbang, dating miyembro ng parlamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na magtungo sa kanilang tanggapan. Kinilala si Rimbang bilang umano’y financier sa likod ng isang kargamento ng ilegal na droga na nasabat sa Laos.
Kinumpirma ni CIDG Director PMGen. Robert Morico na kabilang si Rimbang sa humigit-kumulang 40 indibidwal na pinapatawag ng pulisya kaugnay ng imbestigasyon.
Ayon kay Morico, pinatutunayan na ng mga nakalap na ebidensiya ng mga imbestigador, kabilang ang mga dokumento at kuha mula sa CCTV, ang mga natuklasan nila sa pagsisiyasat.
bottom of page
