top of page

Mayor Baste Duterte, binatikos ang korapsyon at implasyon bago ang halalan sa 2028

Sari Story News

October 20, 2026 at 7:30:03 AM

Hinimok ni Davao City Mayor at PDP-Laban President Sebastian “Baste” Duterte ang mga miyembro ng partido na maghanda para sa halalan sa 2028. Binigyang-diin niya ang pangangailangang mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin, mababang sahod, at lumalaking gastusin ng mga pamilya.


Ginawa ni Duterte ang panawagan sa seremonya ng panunumpa ng mga vice chairperson ng National Committee noong Oktubre 5, 2026, sa punong-tanggapan ng PDP-Laban sa Sta. Mesa, Maynila.

bottom of page