top of page

Dumalo si VP Sara Duterte sa pagtitipon ng unyon ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Valencia

Sari Story News

October 20, 2026 at 7:30:03 AM

Mainit na sinalubong ng mga tagasuporta si Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa kanyang pagdalo sa ika-18 anibersaryo ng pagkakatatag at General Membership Assembly ng Valencia City Government Employees Union sa Valencia City, Bukidnon.


Kinilala sa pagtitipon ang mga kontribusyon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa paglilingkod sa publiko.


“Patuloy nating ipaglaban ang mga karapatan, kapakanan, at dignidad ng bawat kawani,” pahayag ni Duterte.

bottom of page