top of page

Depensa ni dating Pangulong Duterte, kinuwestiyon ang 3,400 pagkamatay sa drug war sa ICC

Sari Story News

October 15, 2026 at 7:35:43 AM

Naging mainit ang talakayan sa ikaapat na status conference ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).


Ito ay matapos tumanggi ang depensa na tanggapin ang isinumiteng datos ng prosekusyon hinggil sa humigit-kumulang 3,400 umano'y pagkamatay sa mga operasyon ng pulisya sa ilalim ng madugong kampanya ni Duterte laban sa ilegal na droga.


Kinuwestiyon ng depensa kung sinuri ng isang abogado ang bawat pagkamatay o indibidwal na rekord. Iginiit din nito na hindi dapat obligahin ang kanilang panig na suriin ang mga dokumento.


Muling personal na dumalo si Duterte sa nasabing status conference. 

bottom of page