top of page

BJMP itinangging nakalabas na sa kulungan sa QC si Rep. Martin Romualdez

Sari Story News

November 4, 2026 at 8:38:34 AM

Pinabulaanan ng Kawanihan ng Pamamahala at Pagwawasto ng mga Piitan (BJMP) ang pahayag ng beteranong mamamahayag na si Mon Tulfo na umano'y lumalabas ng Bagong Piitan sa Lungsod Quezon ang dating Speaker ng Kamara na si Martin Romualdez.


Batay sa kuha ng CCTV, iginiit ng BJMP na hindi lumalabas si Romualdez sa pasilidad kung saan siya nakapiit, maliban lamang kapag dumadalo sa mga pagdinig kaugnay ng kasong pandarambong na kinakaharap niya sa Sandiganbayan.


Sa bidyong inilabas ng BJMP, makikitang naglalakad si Romualdez sa loob ng bakuran ng piitan noong Miyerkules, Nobyembre 4, sa nakatakda niyang oras para sa ehersisyo at gawaing pampalakas ng katawan.

bottom of page